Visual Note
May banayad na musika. Sa puting screen, mababasa sa itim
na mga font ang "Airbnb 2022 Release para sa Nobyembre."
Kinukunan ng camera si Brian na nagsasalita. Sa kanyang kaliwa, mapapansin ang mangkok ng mga prutas. Sa likod niya, sa bandang kanan, may paikot na hagdan na may maiitim na rehas at mga baitang na gawa sa kahoy. Sa likuran, may malaking bintanang pinapasok ng liwanag. Habang nagsasalita, magiliw na nakangiti si Brian.
Brian
Kumusta? Si Brian ito. Pinakinggan namin
ang mga nais mong sabihin,
at marami kaming ginawang pagbabago
base sa narinig namin. Bilang bahagi ng
Airbnb 2022 Release para sa Nobyembre,
nasasabik akong ibahagi ang 10 upgrade
na ginawa para lang sa mga host.
Visual Note
Sa puting background, mababasa ang malaking numerong 10 at, sa itim na mga font ang “Mga Upgrade
para sa mga Host.”
Brian
Gusto mo ng higit pang
proteksyon kapag nagho-host
kaya magbibigay kami
ng higit pang AirCover.
Visual Note
Sa puting background, mababasa ang malaking numerong 1 at, sa itim na mga font ang “Higit pang
AirCover.”
Brian
Kasama na sa AirCover ang proteksyon
para sa kotse at bangka sa tuluyan mo
at sinasaklaw na rin ang mga
likhang-sining at mahahalagang bagay.
Visual note
Lumilitaw sa screen ang mga disenyo ng kotse, bangka,
at ipinintang likhang-sining. Nasa gray na bilog ang sasakyan. Nasa banayad na asul
ang barko na tila nasa tubig. Nasa bilog na parang sahig na gawa sa kahoy
ang likhang-sining. Sa ibaba ng mga ito, nakasaad sa mga titik kung ano ang bawat
isa. "Mga Kotse," "Mga Bangka," at "Mga Likhang Sining at Mahahalagang Pag-aari."
Brian
Tumaas ang halaga
ng proteksyon sa pinsala,
ang dating $1 milyon
ay $3 milyon na.
Visual note
Mababasa ang $1,000,000 sa kapansin-pansing itim na mga
karakter sa puting background. Pagkatapos, tumataas ang mga numero. Lumalago ang mga ito hanggang
sa umabot sa $3,000,000.
Brian
Pangalawa, narinig namin
na gusto mong matiyak
kung sino ang iyong mga bisita.
Visual Note
Diretsong nagsasalita si Brian sa harap ng camera
na may kumpiyansa ang ekspresyon. Susunod, lumipat ang camera mula sa maikling
kuha ng mukha ni Brian tungo sa mas malawak na larawan ng kanyang mga kamay at katawan.
Sa puting background, mababasa ang malaking numerong 2 at, sa itim na font ang “Pagpapatunay sa pagkakakilanlan ng bisita.”
Brian
Bilang bahagi ng AirCover,
malalapat na ang pagberipika
sa pagkakakilanlan
sa bawat bisitang magbu-book ng biyahe
sa nangungunang 35 bansa sa Airbnb. Saklaw noon ang 90%
ng mga reserbasyon,
at masasaklaw nito ang 100%
sa susunod na tagsibol.
Visual note
Nawawala ang larawan sa puting background habang
nasa harapan ang smartphone. Bukas ang Airbnb app sa phone, at mahahanap
ang page tungkol sa bisita. Mababasa sa close-up ang detalyeng "Tungkol kay Priya".
Kapag naka-zoom in, malalaman na may beripikadong pagkakakilanlan ang bisitang ito. Nakasaad ito
kasama ang itim na icon ng kalasag na may puting tsek sa loob.
Brian
Gusto mo rin ng tulong
para sa mga hindi awtorisadong party
kaya binuo namin ang teknolohiya
sa pagsusuri sa reserbasyon.
Visual Note
Sa puting background, mababasa ang malaking numerong 3 at,
sa itim na font ang "Teknolohiya sa Pagsusuri ng Reserbasyon".
Brian
Sinusuri ng teknolohiyang ito
ang daan-daang salik
para i-block ang mga booking na maaaring
humantong sa hindi awtorisadong party.
Ilulunsad namin ito
sa US at Canada
at ilulunsad ito sa buong mundo
sa tagsibol.
Visual note
Sa screen ng app, mahahanap ang kahilingan sa pagpapareserba,
na tila natatakpan ng kulay kahel na banner. May icon ito ng kalasag
na nagpapahiwatig na na-block ang reserbasyong ito. Mababasa ang "Na-block ang kahilingang ito"
at ang detalyadong paliwanag na kulay gray sa mas maliliit na teksto.
Brian
Ito ang bagong AirCover. Natatangi ang AirCover. *Ayon sa mga
paghahambing noong Oktubre 2022
Visual note
Sa puting background, mababasa sa malalaking pulang titik
ang "air", at sa itim na titik ay ang "cover." Sa ibaba, sa mas maliit na palalimbagan,
mababasa ang "para sa mga Host."
May talahanayan na nagkukumpara sa performance ng Airbnb sa mga kakumpitensiya nito. Sa kabuuang 10 puntos, (naka-shade ng banayad na gray ang unang 5). May 10 berdeng tsek ang Airbnb. May 8 pulang ekis at 2 lang na berdeng tsek ang mga kakumpitensiya nito. Pagsisiwalat: Nakabatay ang pagkukumpara sa pampublikong impormasyon at mga libreng iniaalok ng mga nangungunang kakumpitensya hanggang noong Octubre 2022.
Brian
Kapag kailangang maghain
ng paghahabol sa AirCover,
medyo mahirap
daw ang proseso. Kaya mas pinadali namin ito.
Visual Note
Sa puting background, mababasa ang malaking numerong 4, at
sa itim na font ang "Mas madaling maghain ng paghahabol."
Pagkatapos, lumitaw ang screen ng phone. Matatagpuan sa Airbnb app ang window na may logo ng AirCover sa itaas. Sa ibaba ng logo, mababasa ang "para sa mga Host." Mababasa sa pamagat na nakasulat na malalaking titik ang "Humiling ng pagbabalik ng nagastos." Pagkatapos, lumitaw ang tatlong subtitle: Tipunin ang mga pansuportang dokumento, Ibahagi ang nangyari, Isumite ang iyong kahilingan. Sinundan ang bawat puntong ito ng mas maliit na tekstong kulay gray, na maikling nagpapaliwanag ng bawat paksa.
Brian
Ilang simpleng hakbang
lang ang kailangan. Piliin ang pinsala
gaya ng nawawalang gamit. Sabihin kung ano ang nawawala,
Gaano na ito katanda
at ano ang halaga nito. At pupunan namin ang petsa. Makakagawa ka na
ng maikling mensage para sa bisita. Ganoon lang iyon.
Visual Note
Itinatampok ng Airbnb app ang window na may pamagat na
"Idagdag ang una mong item," na mabilis na nagtatampok ng listahan. Kapag nag-zoom in ang camera
mababasa ang "Anong nangyari?" nakasaad ang 3 mapagpipilian:
- Napinsalang item
- Nawawalang item
- Hindi inaasahang paglilinis o amoy ng usok.
Pinipili ng animation ang pangalawa. Nagbabago ang screen sa window na "Magdagdag ng item". Dito, may ilang kahon ng mapagpipilian. Mula sa itaas pababa:
- Ano ang nangyari?
Nawawalang item
- Ano ang kulang? Nakasulat sa animation ang "Tuwalya sa paliligo."
- Gaano na katagal ang item na ito? Pinupanan ang (edad ng item) ng "1 taon".
- Magkano ang halaga ng item na ito? Pupunan ang (halaga) ng $45.
Susunod, nakatampok sa animation ang window sa app na may pamagat na "Kailan ito nangyari?" at pinupunan ang petsa ng 10/24/22.
At panghuli, may
opsyong mag-iwan ng maikling mensahe para sa bisita. Window ito na may pamagat na "Magdagdag ng maikling mensahe
para sa iyong bisita," kung saan may nakasulat na "Bumalik ako para lang malaman
na maraming tuwalya sa paliligo ang nawawala."
Sa katapusan ng sequence na ito, mapapansin sa huling screen
na magkakasama ang lahat ng datos na dati nang inilagay.
Brian
Ang napakahalagang
narinig namin mula sa iyo: Gusto mong igalang ng mga bisita
ang iyong patuluyan. Kaya may mga pangunahing alituntunin
para sa bisita na ngayon.
Visual Note
Muling tumuon ang camera sa close-up ni Brian. Mariin siyang
nagsasalita. Sa puting background, mababasa ang malaking numerong 5. Sa mga itim na
font mababasa ang "Mga pangunahing alituntunin para sa mga bisita."
Brian
Simula sa susunod na taon,
ipapaalam ito
sa mga bisita bago mag-book
para alam nila
ang mga alituntunin sa tuluyan mo
at ituring itong kanila.
Kung labagin ng mga bisita ang mga ito,
bibigyan muna sila ng babala
sa unang pagkakataon.
At kapag naulit ito,
sususpindehin sila
at kung kinakailangan,
aalisin sila mula sa Airbnb.
Visual Note
Sa Airbnb App, sa ilalim ng "Kumpirmahin ang Reserbasyon,"
nagso-scroll pababa ang animation para itampok ang bahagi ng screen na nagsasaad ng
pamagat na "Mga Pangunahing Alituntunin." Mababasa rin ang "Hinihiling namin sa lahat ng bisita na
tandaan ang ilang simpleng bagay kung paanong maging mahusay na bisita. Sundin ang mga alituntunin
sa tuluyan. Ituring ang tuluyan ng iyong host na iyo."
Tumuon pabalik ang camera kay Brian, na may kumpiyansang nagsasalita at kumukumpas ang mga kamay.
Brian
Sinabi mo rin sa amin:
"Gusto kong malaman ang track record
ng mga bisita ko sa Airbnb." Kaya nagdagdag kami ng mga detalye
sa mga review para bisita.
Visual Note
Sa puting background, mababasa ang malaking numerong 6 at
ang "Higit pang detalye sa mga review ng mga bisita."
Brian
Higit pa sa star rating,
makakapaglagay ka na ng detalye,
na mababasa ng ibang host
sa kahilingan sa pag-book sa kanila.
Visual Note
Mahahanap sa screen ng Airbnb app ang pamagat na "Gaano
sinunod ni Isa ang iyong mga alituntunin sa tuluyan", at ang posibilidad na
mag-iwan ng opinyon batay sa star rating. May 5 star at pinupuno ng animation ang 3 ng
kulay na pula, na kilalang kulay ng Airbnb. Sa ibaba ng mga star, mababasa ang "Sundin ang ilang alituntunin".
Sa ibabang kalahati ng screen, puwedeng isaad kung ano ang nangyari
sa pamamagitan ng ilang button na may teksto. Dalawa ang napili: "Lumampas
sa pag-check out" at "Hindi pinahintulutang alagang hayop."
Matatagpuan sa animation ang screen kung saan tinipon ang mga review sa bisitang iyon, na may mga partikular na iskor para sa bawat item:
- Average na rating (4.9 star)
- Kalinisan (4.8 star)
- Mga alituntunin sa tuluyan (4.87 star)
- Pakikipag-ugnayan (5.0 star)
Mahahanap sa ibaba ang review ng host na ito sa bisita, sa pamamagitan ng salita at partikular na detalye.
Sa close-up ng mga detalyeng ito, mapapansin na may tsek ang "Itinapon ang basura" at ang "Palaging tumutugon". May icon naman ng alerto ang "Lumampas sa pag-check out" at ang "Hindi pinahintulutang alagang hayop".
Brian
Hinggil naman sa mga review,
sinabi mong mahalagang
tanggalin ang hindi patas
at mapaghiganting review.
Visual Note
Nakatuon ang camera kay Brian na nagsasalita nang may kumpiyansa.
Pagkatapos, sa puting background, mababasa ang malaking numerong 7 at ang "Mga proteksyon
sa mga review na naghihiganti."
Brian
Mas simple nang ipatanggal ang
mapaghiganting review,
kahit gaano pa ito katagal.
Gusto mo rin ng mas mabilis na payout. Kaya inihahandog ang Madaliang Payout (nasa US pa lang).
Visual Note
Sa puting background, mababasa ang malaking numerong 8
at ang "Mabilisang Payout."
Sa screen na "Magdagdag ng paraan ng pagbabayad" sa loob ng Airbnb app, nakatampok sa close-up sa gitnang seksyon ang posibilidad para ma-activate ang Mabilisang Payout. Sa loob ng puting parihaba, may pamagat na "Paano mo gustong mabayaran?" na sinundan ng ilang paliwanag sa mas maliliit na titik. "Mabilisang Payout" at "Account sa Bangko" ang mapagpipilian. Pinili ang Mabilisang Payout. Pagsisiwalat: Kasalukuyang magagamit ang Mabilisang Payout sa mga kwalipikadong US debit card.
Brian
Kapag pinili mo ito,
may payout na sa loob ng 30 minuto
sa debit card mo.
*Kwalipikadong US debit card lang
Pagkalunsad ng Mga Kategorya noong Mayo, nagtanong kayo: "Paano ko malalaman ang kategorya ng tuluyan ko?" Simula sa susunod na taon, malalaman mo na ang kategorya ng iyong tuluyan. Mahahanap ito sa detalye mismo ng listing mo.
Visual Note
Sa puting background, mababasa ang malaking numerong 9 at
ang "Alamin ang iyong kategorya."
Sa mga detalye ng listing sa loob ng app, makakarating ang mabilis na pagso-scroll pababa sa "Mga Kategorya." Nakatampok dito ang banner na may nakasulat na "Bago." Dalawang kategorya ang napili: Trending at Elegante.
Brian
Magdadagdag nga pala kami
ng anim na Mga Kategorya:
bago, trending, at iniangkop
na dinisenyo
para sa wheelchair access.
Visual Note
Sa puting background, mababasa ang malaking numerong 10 at ang
"Bagong Mga Kategorya sa Airbnb."
Sa app, isa-isang nilibot ang tatlong bagong kategorya.
-
Itinatampok sa "Bago" ang litrato ng cabin sa kagubatan ng Big Bear, California,
na idinagdag 2 linggo na ang nakakaraan.
- Itinatampok sa "trending" ang litrato ng isang bahay sa probinsiya,
na napaka-moderno at may malalaking bintana. Matatagpuan ito sa Lake Hayes, New Zealand.
- Itinatampok sa "inangkop" ang litrato ng log cabin sa magandang
lugar na napapalibutan ng kalikasan sa Bostic, North Carolina. Nagtatampok ang larawan ng malaking pasukang dark ramp na gawa
sa kahoy.
Sa huling kategoryang ito, nagso-scroll pababa ang animation para itampok ang isa pang iniangkop na bahay. Pagkatapos, matatagpuan ang litrato ng maliit na cottage sa Hexam, United Kingdom.
Brian
Paano naman ang kategorya
para sa mga pribadong kuwarto? Narinig ka namin
kaya may kategorya nang
"Mga Pribadong Kuwarto"
na may higit sa 1.2 milyong listing
sa buong mundo.
Visual Note
Kapag mabilis na binuksan ang bagong kategoryang "Pribadong Kuwarto" mapapansin ang ilang
litrato. May maliwanag na kuwartong may mga dingding na gawa sa kahoy at malaking higaan
na parang mga silyang tamimi sa Bangkok, Thailand. May kuwartong may mga puting dingding at kasangkapan na puno ng
liwanag at ng namumulaklak na orkidya sa Imerogvigli, Greece. May modernong kuwarto rin na may
pader na gawa sa salamin at sahig na gawa sa kahoy sa Lungsod ng Mexico.
Brian
Ito ang 10 upgrade
na ginawa namin para sa aming mga host
bilang bahagi ng
2022 Release para sa Nobyembre.
Salamat sa feedback mo. Pinapahusay nito ang aming serbisyo.
Visual Note
Sa puting background, nakasaad ang listahan ng lahat ng 10 upgrade. Pagkatapos ay lumipat ang camera
kay Brian na nakangiti at magiliw habang tinatapos ang video.
Brian
Inaasahan kong
makatrabaho kayo sa susunod na taon.
Visual note
Sa gitna ng puting background, mapapansin ang pulang logo ng Airbnb.
Huminto ang musika.